Setyembre 29-30, 2012

Setyembre 29-30, 2012

Ang mga bag ko 😀

Leave a comment »

Setyembre 25-28, 2012

Setyembre 25-28, 2012

Ang mga bag ko 😀

Leave a comment »

Setyembre 21-24, 2012

Setyembre 21-24, 2012

Ang mga bag ko 😀

Leave a comment »

Setyembre 17-20, 2012

Setyembre 17-20, 2012

Ang ma bag ko 😀

Leave a comment »

Setyembre 13-16, 2012

Setyembre 13-16, 2012

ang mga bag ko 😀

Leave a comment »

Setyembre 9-12, 2012

Setyembre 9-12, 2012

Ang mga bag ko 😀

Leave a comment »

Setyembre 5-8, 2012

Setyembre 5-8, 2012

Ang mga bag ko 🙂

Leave a comment »

Setyembre 1-4, 2012

Setyembre 1-4, 2012

Ang mga bag ko 🙂

Leave a comment »

Ang Dapat Pondohan ng mga Pilipino

ITONG pampublikong paaralan, na pinahahalagahan noong unang panahon ng ating mapagmalasakit na mga opisyal, noong hindi pa itinatayo sa mga lupaing ito ang mga Pisay campuses, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga taong-bayan at lalung-lalo na ang mga kabataan, sila ay tambayan at kinapupulutan ng mga kagalingan, malabis ang pagyabong ng lahat ng kaalaman, kayat dahil dito’y mayaman ang edukasyon ng lahat. Matalino at mahina at sampung mga  mahihirap ay marunong bumasa at sumulat ng talagang yaman nating mga Pilipino.

Naipatayo ang mga Pisay campuses at dumating na nagpapasikat. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nakumbinsi sa adhikain ng kanilang paaralan sa pagpapatayo. Gayon man, sila’y ipinailalim sa legal na kasunduan ng mga Pilipino na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang Kagawaran sa Agham at Teknolohiya sa pamamagitan ng isang panunumpa na nagbibigay ng isang kontrata sa kani-kanilang mga estudyante, at yao’y pinipirmahan nilang kapwa , tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magpapakadalubhasa sa Sining. Ito’y siyang tinatawag na kasunduan ng Pilipinas at ni estudyante na pinag-aaral  ng libre sa Pisay.

Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa libu-libo na ang estudyante ni Pisay ay ating pinag-aaral  sa lubos na kasaganaan; ating pinayayabang at pina-susuwelduhan, kahit abutin natin ang kasalatan at kahirapan. Ginugugol natin ang yaman, respeto at sampu ng buwis sa pag-papaaral sa kanila; kinakawawa natin sampu ng mahihirap na mga kabataan na ayaw  sumuko, na sa kanila ay umasa, at gayon din naman nagpatayo tayo sa mga probinsya at mga lungsod na nagbalak na magbigay sa kanila nitong edukasyon.

 

Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating nakararaming kabataan ? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang pangarap na siyang naging pagkukulang ng ating pagbadyet? Wala kundi pawang kakulangan ang bunga sa ating mga pampublikong paaralan. At ang mga pagtupad sa kanilang kagustuhang tayo ay lalong gigisingin sa kagalingan? Bagkus tayo’y nagtipid, nagbawas tayo sa kanilang maliit na badyet, pinilit na pagkasyahin ang luma at sirang kagamitan ng ating paaralan. Gumastos tayo sa isang elitistang proyekto at isinadlak sa lubak ng kinabukasan ang estado ng ating pampublikong edukasyon.

At kung tayo’y maliwanaga’t maglaan ng kahit maliit na dagdag, ang nagiging epekto ay ang tayo’y makakatulong at makakapagpaaral sa piling ng ating minamahal na mga aklat, gusali at magaling na guro. Ang bawat isang estudyante na pumapasok sa ating pampublikong paaralan ay itinuturing na isang mababang mag-aaral at lantarang pinagdadamutan ng dekalidad na edukasyon.

Ngayon, wala nang  tumatalinong kabataan sa ating pampublikong paaralan. Ngayon, lagi nang Pisay ang ating pinaglalaanan ng umaalingawngaw na atensyon at respeto, pondo at buwis ng mamamayang mahihirap, kapatid at mga magulang ng mga kabataang pinagkaitan ng mga pasilidad na maayos.

Ngayon, tayo’y nagsasawa na sa nakakairitang  pagmamayabang ng pisay iskolars sa nakuhang  benepisyo ng sarili, sa paglabag ng saklaw na ipinagbawal ng kontrata, na ang bawat pagmamalaki ay katulad ng isang nagbabagang insulto na sumasampal sa kulang na edukasyon ng ating kabataang naghihikahos. Ngayon, lalo’t lalo tayong nang-iinsulto  ng estudyanteng kawawa sa bawat iskolar na may sariling stipend.

Ano ang nararapat nating gawin?

Ang kakulangan ng edukasyon na makikita sa kabataan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang dala niya’y pagpapahirap sa ating mga mamamayan  upang makita natin ang mga responsibilidad na nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga opisyal na kurakot.

Ipinapakita ng DepEd na wala tayong iba pang maasahan kundi lalo’t lalong pagpapabaya, lalo’t lalong kakulangan, lalo’t lalong problema, at lalo’t lalong bulok na sistema.

Ipinagmamakaawa ng kabataan na huwag nating sayangin ang badyet sa pag-asa sa ipinangakong pag-unlad na hindi darating at hindi mangyayari.

Iniiyak ng publiko na tayo’y mamuhunan sa ating nakararaming kabataan at huwag iasa sa kaunti ang ating pag-unlad.

Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kanser sa ating edukasyon.

Panahon na ngayong dapat na pahalagahan ang edukasyon ng nakararami.

Panahon nang dapat nating ipakita na tayo’y may sariling responsibilidad, may tiwala, may malasakit at pakialam.

Ngayon, panahon nang dapat dagdagan ang pondo ng mga mahihirap at dakilang mag-aaral na magtitiis sa sira-sirang silid na sumisimbolo sa ating pampublikong paaralan. Panahon na ngayong dapat malaman ng mga taga-Pisay ang pinagmulan ng kanilang mga benepisyo. Araw na itong dapat siguraduhin na sa bawat buwis natin ay tumutuntong tayo at lumalapit sa maliwanag na kinabukasan ng edukasyon na sa atin ay hinihingi ng mga kabataan.

Kaya, O mga kababayan! Ating isulong ang ipinagdamot na karapatan at kusang ialay sa kabataan ang ating paniniwala sa tunay at lubos na kagalingan na magtagumpay sa minimithing  kalidad ng edukasyong pampubliko.

Leave a comment »

Relationship Status: Heartbroken

[1]   andaming masaya pag frst time..first ganito, first ganyan..ang problema daw

pabu pag nagsawa na..ang sa akin nmn..LOL..bakit ka magsasawa kung masayang
masaya ka??XD

[2]   Oh sooooo HappY! 🙂

I’m palpitatinggggggggggggg… ❤

[3]   hinahanap hanap kita 😀 😀 😀

[4]   grabe nagMessage ako sa chat nag-offline… bakit kaya di niya sabihin anong

problema… kakaBother ka ‘te…

[5]   Hey..If you think I’m not giving enough.., From now on, I’ll give you all you want.

Anything you want as much as you want, I’ll give you. I will wait for you.

[6]   Me: inang, alam mo ba nanaginip ako ng ahas , kinagat pa nga ako

LOLA: oh magingat ka,may tratraydor o trumaydor daw sayo na malapit sayo
pag ganyan.
~ oh my! eto na kaya yun? haiz. pag tulog ko iniisip ko kung magagawa mo ba
yun.,kung totoo ba. ayh eto na ung sagot? 😐

[7]   Napakagaling, napakagaling…. Napakagaling maglandi. Hahahah, just kiddin’.

[8]   Mamama-alam na lang…

Ngayon…
Dahil ang bukas ay may masayang pangako…
Paalam…
Susuko na sa sitwasyon…
Ayoko na…
Hindi ko ito kakayanin…
Nang…
…wala…
…KA.

:’)

[9] Mas ok na yung single at malaya. kesa sa in a relation pero di naman sigurado.

[10]”Nobody said it was easy. No one ever said it would be this hard.”

Leave a comment »